Sunday, January 06, 2008

paano ka magbigay ng number?

telephone number? ako? hindi ko sinusulat. hindi rin ako nagbibigay ng calling card. at mas lalong hindi ako nagsesend ng business card sa cellphone. sinasabi ko lang. kapag landline sinasabi ko kaagad. kapag cellphone number naman, hinuhugot ko pa yung cellphone ko para malaman ko yung number ko. pero minsan tinatanong ko sa ibang tao. tas sila yung huhugot ng cellphone nila para malaman ng nagtatanong kung ano yung number ko. di kasi ako nagdadala ng cellphone. at ehto ngayon nasira ang cellphone ko.

nahiwagaan ako kung paano binibigay ng mga tao ang number nila sa cellphone o sa landline. napapansin mo na siguro ito pero hindi mo pinagtutuunan ng pansin. ako. wala lang naisip ko lang i-blog ang pagbibigay ng mga tao ng mga number nila sa cellphone man o sa landline.

cellphone muna...

kapag binibigay ng mga tao ang number nila. madalas pinapamiss-call na lang nila dun sa cellphone ng nagtatanong sa kanila. tas iuuse number tas yun masesave na. ang dali diba. laos na ang mga nagsusulat sa tissue o kaya naman sa kamay nung nagtatanong para ibigay yung number. una napakabaduy at madalas pa nawawala ang papel o nabubura ang number sa kamay. pero madalas kapag sinasabi lang, kapansin-pansin kung paano nila sinasabi. napansin ko na madalas, sinasabi ng mga tao ang number nila sa kombinasyon na. 4-3-2-2 o kaya naman 4-3-4. hindi mo ba magets. teka bigyan kita ng isang conversation...

tomas: ano number mo?
eleanor: teka (huhugutin yung cellphone, tas si tomas titingin kung saan-saan)
eleanor: 0913...
tomas: globe ba yan o smart?
eleanor: mobiline.
tomas: aaah ok ok
eleanor: 921. 74. 83.
tomas: ah ok. 0913. 921. 74. 84?
eleanor: 83! (didiin yung pananalita sa number 3)
tomas: aaah 83. ok salamat.

or...

tomas: ano number mo?
eleanor: teka (huhugutin yung cellphone, tas si tomas titingin kung saan-saan)
eleanor: 0913...
tomas: globe ba yan o smart?
eleanor: mobiline.
tomas: aaah ok ok
eleanor: 921. 7483
tomas: ah ok. 0913. 921. 7484.
eleanor: 83! (didiin yung pananalita sa number 3)
tomas: aaah 83. ok salamat.

ang kombinasyon ay palaging 4-3-2-2 at 4-3-4. kung ang number mo ay 09159946344. madalas binabanggit mo ito sa kombinasyon ng ganito.

0915. 994. 63. 44

o kaya naman...

0915. 994. 6344.

HINDING-HINDI MO BABANGGITIN ANG NUMBER MO SA GANITONG PARAAN!!!!

09. 1599. 4634. 4

o kaya....

091. 59946. 344.

o kaya...

0. 9. 1. 5994. 634. 4

napakadistinct ng paghinto o sa paglagay ng comma sa ating mga number tuwing babanggitin natin ito. wala namang nagturo...nakasanayan na lang natin sabihin sa ganitong paraan. siguro para walang lituhan. ganun din sa telephone number o sa landline. pero wala na yung 4-digit sa unahan. 4-3-4 na ang kombinasyon pero ako 4-3-2-2 ako magbigay.

kung ang number mo ay 7889201

sinasabi mo ito sa paraang

788. 92. 01.

o kaya naman...

788. 9201

kung napapansin ninyo ang mga delivery o kahit anumang number sa mga billboard ganito rin siya nakasulat. katulad sa kfc...

877-7777
sa ateneo...
426-6001
exception na ang mcdo at jollibee...

8-MCDO. at 8-7000.

nasimula na nila ang ganitong kombinasyon na 1 digit tas 4 digits. pag gumaya na rin ang ilang fastfood sa ganitong format ng number sigurado sa ganitong paraan din nila ito isusulat.

pansinin din ang isa bahagi ng naunang balitaktakan (conversation)

tomas: aaah ok ok
eleanor: 921. 7483
tomas: ah ok. 0913. 921. 7484.
eleanor: 83! (didiin yung pananalita sa number 3)
tomas: aaah 83. ok salamat.

kapag nagkamali ng pagbanggit ng number. madalas nating sabihin ang numero bago ang number na hindi niya nabanggit ng tama. napakagaling! para nga naman hindi magkalituhan. hindi natin sinasabi yung number ng isa lang. sinasabi natin yung mga kasama. parang exchanging phone number's etiquette. para naman kahit papano masabi mo yung tamang nakuha niyang number hindi yung binabanggit mo lang yung mali.

madalas din. kapag tinatanong ng isang tao yung number mo. nagjojoke ka rin siguro na babanggitin mo ng mabilis yung number mo. tas magtatanong siya ulit. ewan. hahaha. ako nagawa ko na minsan. pero naisip ko na kahit sa pagbibigay ng number kailangan maayos at magalang pa rin.

": anong number mo?
[: 23.
": huh?
[: ano ba tinatanong mo?
": number mo sa bahay?
[: aaah akala ko kasi class number ko.

madalas din tayong magjoke ng ganyan. pero halata naman na kapag sinasabi na "anong number mo?" number sa bahay o cellphone na tinatanong diba.