next week birthday ko na
tagal ko nang di nagbblog ah. pasensya na at medyo kinakapos na ako sa oras sa bahay para umupo at magmumumuni kasama ng blinking cursor na ito na nakabuntot lang sa bawat titik na lumalabas habang pinipindot ko ang mga buton sa keyboard ko.next week nga pala birthday ko na. 19 na ako! last teenage year. pagkatapos nito puwede na talaga akong sabihan na matanda na ako kahit mukha naman talaga akong matanda kahit 18 na ako. tae ano kaya pakiramdam ng bente anyos na. pero sige enjoy the 19th na lang...
birthday wishes...
1. maraming manood sa aking mga kaibigan sa Hakbang sa Hakbang ni William Shakespeare. Opening night ko yun, at birthday ko pa. Unang beses akong aarte na kaarawan ko rin. gusto ko malaman ang pakiramdam. at para naman maging masaya yun, sana naman marami sa aking manonood na mga kaibigan at kadugo. basta yung parang lahat ng mga taong nanood ako lang ang pinuntahan. sensya na sandali lang ako lalabas dun. bago pa lang. pero 100% entertainment pa rin as always. Nood kayo kung kaibigan ko kayo! 150 PHP. Exhibit Hall, Gonzaga Building 3F. Ateneo de Manila University.
2. a special day with my family. napansin ko kasi ang tagal na rin naming hindi lumabas na planado. medyo busy busy rin kaming lahat na magkakapatid e. pero mukhang magagawa naman tong wish kong to. kahit sandali lang sa tagaytay ayos na yun!
3. TRIP TO QUIAPO, DEKADA 70, kahit anong pugad baboy na wala ako...yan ang mga librong gusto ko ngayon.
4. 24 hours with my favorite rockstar. haha. madalas kaming magkasama pero di ko pa nasusubukan na isang buong araw. medyo longshot wish yun pero sana one time magkatotoo.
5. magkaroon na ng bahay yung pulubing lagi kong nakikita ko sa Commonwealth Overpass. tae palagi ko na lang siyang nakikita. simula nung nagcommute ako nung highschool, nakikita ko na siya palagi. at sa iisang puwesto lang siya nakaupo. parang di na nga siya natatanggal dun e. ayoko naman siyang bigyan ng barya, sana naman magkaroon siya ng bahay.
6. a cboys reunion. kumpleto please. at sana sa classroom ang venue. sobrang longshot wish din pero tae. tae talaga.
7. good health to all my loved ones.
8. be silent with God. :D
9. celebrate my birthday with my tatay. palagi siyang wala sa pinas pag birthday ko e. :(
10. bahay at lupa. disenteng trabaho. magandang negosyo. kotse. at masyang pamilya. hahahahahaha. pangmatanada yung ganitong wish pero tingin ko naman lahat yan ang gusto nilang matanggap pag matanda na sila.
