downpayment / installment
laos na laos na ang friendster at may gumawa pa rin sa akin ng testimonial. linsyak. naaalala ko pa dati lahat nagkakandarapa sa buwiset na friendster na yan. at naaalala ko pa na si ginoong patrick lubenia ang namilit sa akin na magkaroon ng friendster account. 2nd year lang ako nagkaroon sa pagkakakaalala ko. una ko pang picture si fuuko sa flame of recca. tapos nagkaroon ako ng pic na ako noong nagkaroon ako ng webcam. tas lahat nagkakandarapa na makakuha ng mga testimonial sa mga kaibigan nila. "Gawan mo naman ako ng testi." minsan nakakatuwa kapag wala ka namang inutusan tas may gumawa na lang para sayo. siryoso pa. mapapagawa ka talaga ng isang siryosong testi para sa kanya.May bumili na ba ng kotse na isang bayaran lang kaagad? Full payment. kunwari bumili siya ng isang mitsubishi pajero...hindi...gawin nating mas mahal...ford expedition...tapos binili niya talaga ng full payment na parang bumibili lang ng Rimbee sa tindahan. Wala pang tulong ng bangko o nagkaroon ng car loan. tigas siguro nun noh, binili na lang yung kotse ng ganun ganun na lang. Mayroon din kayang bumili na ng mansyon na parang bumili lang ng load sa tindahan??? Mga walang yang mayayaman kayo...napapaisip ako tuloy.
Lagi kong sinasabi na lahat ng bagay may kabayaran. Hindi naman pera pero puwedeng ibang bagay. Mas angkop yatang sabihin ko na lahat ng bagay may kapalit, mas action star lang ang dating ko kapag sinabi ko lahat ng bagay may kabayaran.
Isa ako sa mga naniniwala sa karma. Kung ano ang ginawa mong kasamaan may mas masamang mangyayari sa iyo. Kung may ginawa kang kabutihan may mas mabuting mangyayari sa iyo. Nilalagyan ko ng "mas" dahil katulad ng pagbebenta ng mga bagay sa tindahan, nilalagyan ng patong para magkaroon ng kita. Kaya sa bawat kabutihan at kasamaan na ginagawa mo, doon mo malalaman kung mabenta ka o lugi ka sa mga tao.
Mahilig ako sa mga dare. Malakas ang trip ko. Kapag pinagawa sa akin ang isang bagay, madalas pumapayag ako kahit walang kapalit. Para pagkatapos kong magawa yung dare, ang sarap ng kuwentuhan. 'yun lang yung nagpapaastig dun wala nang iba. Bali PE class ko noon at maraming gamit ang nakakalat. May nakita ang kaibigan ko na isang pares ng tsinelas na nakatiwangwang lang sa sahig. Sabi niya kunin ko raw at ibigay ko sa kanya. Eh di kinuha ko at sinuksok sa bag. Tuwang-tuwa kami may bago na siyang tsinelas. Hindi tumagal may isang lalaking panay ang halungkat sa mga bag na nakakalat. Kabadong-kabado ang mukha niya at hindi mapakali. Naiiyak na siya at puro mura na ang lumalabas sa bibig niya. Kilala ko na kung sino yun - siya yung may-ari ng tsinelas na yun. ampota. Nung umalis siya, nilabas ko na yung tsinelas sa bag ko at nilapag na lang yun sa sahig. bahala na kung ano mangyari.... Ilang araw ang lumipas nasira ang cellphone ko dahil nabuhusan ng mantika ng itlog.
Bobo ako mag-isip ng bagay na ireregalo. kaya ang palagi kong ginagawa na lang gagawa ako ng isang bagay na ikatutuwa niya at talagang hindi niya makakalimutan. nafeature ang kablock ko sa Candy Magazine at inanyayahan niya kaming bumili. Candy...nakakita na ako ng ganoon sa bahay at wala akong mabasang matino. Hindi yun yung magazine na babasahin ko gabi-gabi. Pero kahit papano gusto ko ring makita yung mukha ng kablock ko dun. Titingnan ko na lang kung bumili si ate, kaso wala raw siyang balak. amp. kaya naisip ko, bilhin ko na lang yung Candy Mag na yun at papaautograph ko sa kanya. buti na lang panget ang issue ng FHM noon. atsaka para naman mabago yung mga magazine na binibili ko. Bali nung Christmas Party nung block namin, pinapirma ko sa kanya yung Candy Mag at tuwang-tuwa siya dahil first time niyang makaautograph....Ilang araw ang lumipas may nabasa akong blog entry galing sa kanya. ang ganda nung nakalagay tungkol sa akin, parang hindi ako. tuwang tuwa ako noong araw na iyon.
Teka. gagawa muna ako ng testimonial para dun sa gumawa ng testi sa akin kanina.
