crossover
matatapos na rin ang 2007. di ko masabi kung dapat ba akong magsabi ng "Sa Wakas" o "Sana hindi pa matapos." pero kung ako ang tatanungin 2007 ang taon na pinakaemosyonal at punung puno ako ng pag-iisip.nung mga bandang january pa lang, takot na takot na akong na bilang na ang ilalagi ko sa highschool. naging parte na ng katawan ko ang apatnapung mga kaklase kong nagtatawanan at gumagawa ng kalokohan sa loob at labas ng classroom. dito na rin namin nalaman na mag-iiba na rin kami ng pupuntahan sa college. iba-ibang tao na may iba-ibang pangarap. at kahit pilitin man naming mapunta kami sa iisang college, hindi talaga pupuwede.
februay - wala nagbirthday lang ako.
malungkot ako noong marso pero natutuwa rin. tapos na rin ang highschool at tapos na ang higschool. wala na ang mga nakasanayan kong gawin, panibagong campus na naman ang mapupuntahan ko at kailangan ko na namang sanayin ang katawan ko sa lugar na iyon. maaga akong umalis noong graduation dahil kung tatambay pa ako kasama ng cboys baka di ko na magawang umalis pa at pagalitan na ako ng mga magulang ko. ginugol na lang namin ang mga oras namin na lumalabas kami palagi. biruin mo dalawang araw pagkatapos ng graduation-nagreunion na kami kaagad. ganun kami katindi!
ang mga unang araw ko sa college ang pinakanagbigay sa akin ng sakit ng ulo. ayaw na ayaw kong pumasok noon at hindi ko maadapt ang sistema sa kolehiyo. hinahanap-hanap ko pa rin ang mga highschool friends ko pero kadalasan mahirap talagang magkasamasama kami gawa na rin ng pagkakaiba namin ng mga schedule. ganun talaga. wala kaming magagwa. pero tuwang tuwa rin ako na nakabuo na naman ako ng mga bagong kaibigan sa kolehiyo. maliit kaysa sa dating barkada. di ganoon katarantado ang mga kalokohan pero maganda rin ang samahan. natutuwa naman ako at nagkakilala kaming lahat.
napansin ko rin na tumatanda na rin ako. di na rin ako masyadong ma-TV sa bahay. umiinit na rin ang ulo kapag nakikita kong magulo ang kuwarto namin, malas lang dahil wala kaming oras para linisin ito buti na lang at xmas break na! mas naging pala-aral na rin ako kumpara noong highschool. at marunong na akong mag-aral 3 days before ng longtest! dati kasi isang gabi lang bago ang longtest. natuto na rin akong gumawa na kaagad ng paper at hindi malapit sa araw ng deadline at mas lalo akong napikon sa mga groupworks ngayon sa college dahil di ko kilala minsan ang mga nakakagroup work ko.
nagkaroon na rin ako ng desisyon dahil sa nararamdaman ko. lahat kasi dati pinag-iisipan ko lang. logical thinker ika nga. di ako marunong magpadala sa damdamin. isa sa mga nagawa ko na rin sa wakas.
kahit andami pang bumabagabag sa isip ko katulad ng bakit ako naguguwapuhan kay Dwyane Wade o kung bakit mutiny pa rin ang ginagawa ni Trillanes e senador na nga siya. nananatiling nakakatuwa ang buhay ko. kapal! pero sa totoo lang, itong 2007 ang pinakagitna na yata ng pagtawid ko mula sa pagkabata papunta sa pagiging mas bata.
