Sunday, December 23, 2007

all the little things i did for you. in case you did not notice....

for G.T.

kapag naPMS ka
alam mong sasayaw ako sa harap mo
kapag inaantok ka
alam mong ready ang balikat ko
kapag di mo na maubos pagkain mo
alam mong nagugutom pa ako
kapag gusto mong matawa
alam mong palagi akong may bagong joke na nakahanda
kapag may gusto kang sabihan na ayaw mo na ng math
alam mong ayaw ko rin ng math
kapag di mo alam kung paano ka uuwi
alam mong nandyan lang si fx
kapag kelangan mo ng kayakap
alam mong nandyan lang si teddeh
kapag galit ka at kelangan may hampasin ka sa braso
alam mong fflex na ang aking triceps
kapag gusto mong may kahawakan
alam mong nakahanda lang ang basa kong kamay
kapag gusto mong magcounter strike
alam mong maghahakot ako ng kalaro
kapag gusto mo ng juizy juice
alam mong makakalabas ako ng kinse pesos sa bulsa ko
kapag feeling mo mawawala ka sa isang lugar
alam mo na kung saan ka kakapit
kapag wala ka ng guwapong makita sa sec walk
alam mong nandyan lang si mel pante - nagwawala
kapag nakakita ka ng lalakeng magulo, maingay, malaki ang shirt, nakaslacks, at nakaleather shoes o nakapambahay
alam mo ng ako yun
kapag nangungulit na naman si T.L.
alam mong ayaw ko rin sa pagmumukha nun
kapag may gig ka
alam mong may fan ka nakikidnap sayo after mong tumugtog
kapag hihirit ka sa klase
alam mong hihirit din ako sa klase
kapag gusto mong magshopping
alam mong may tagabitbit na ng mga pinamili mo
kapag gusto mong mantrip
alam mong may pinagtitripan na ako
kapag gusto mong humingi ng payo
alam mong masasabawan ka sa mga sasabihin kong suggestions
kapag may nagsabi sayo na anorexic ka
alam mong may nasesexyhan sayo
kapag nagkasakit ka
alam mong tatawagin mo lang si john lloyd para bigyan ka ng biogesic
kapag gusto mong manood ng sine
alam mong may gusto ring manood ng sine kasama ka
kapag may nakakatakot na part sa isang sine
alam mong may sisigawan ka na at titilamsikan ng laway
kapag may gusto kang sabihin na kahit ano
alam mong makikinig lang ako
kapag gusto mong kulitin ako sa text
alam mong mapapabili ako ng load para makatext ka rin
kapag may gusto kang pagalitan
alam mong lagi akong may nagagawang mali
kapag gusto mong magmini shorts
alam mong naghubad na naman ako sa harap ng camera
kapag pakiramdam mong solid ang pangalan mo
alam mong may taong nagngangalang MELCHOR PANTE
kapag gusto mong magsimba
alam mong inaabangan ko na yung AMA NAMIN
kapag wala ka ng makasama
alam mong gusto kitang kasama palagi
kapag nalalabuan ka na sa mga nangyayari
alam mong malabo rin ako kausap minsan
kapag may kailangan ka
alam mong ako si Mel Pante.

yan na yung mga nagawa ko...di ko pa alam kong ano pa kaya kong gawin para sa'yo. kaya ka suwerte sa akin. at suwerte rin ako sayo

M.D.P :D

...im not cheesy, im just in love...:D